๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ฎ, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ: ๐Ÿด๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ก๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—–๐—จ, ๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—”๐—š๐—ง๐—œ โ€˜๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Sulat ni Mdpn. Ydzyl Kenn Duller
Larawan ni Mdpn. Lee Harvey Gumban

Hindi natapos sa tagumpay ang labanโ€”lalo lamang itong pinatibay. Matapos manguna sa Local Annual General Tactical Inspection (LAGTI) noong Marso 27, buong tapang na humarap ang MS2 cadets ng 802nd Naval Reserve Officersโ€™ Training Corps Unit (NROTCU) ng John B. Lacson Foundation Maritime University (Arevalo), Inc. sa National Annual General Tactical Inspection (NAGTI), Mayo 4 sa JBLFMU-A training grounds.

Nagsilbing mahigpit na pagsusuri sa kakayahang militar ang pambansang inspeksyon kung saan ipinamalas ang disiplina, koordinasyon, at kahusayan sa ibaโ€™t ibang sabayang galaw at taktikal na gawain.

Tampok sa mga aktibidad sa umaga ang Close Order Drill at Small Unit Tactics tulad ng mission briefing, patrolling, raid, at counter-ambush, kasama ang rank inspection, semaphore signaling, flag identification, flashing light communication, at knot tying na sumubok sa kanilang teknikal na kasanayan.

Hindi rin nagpahuli ang hapon sa tindi ng pagsusuri, kung saan hinarap ang sunod-sunod na teorya at praktikal na pasusulit tulad ng map reading at land navigation, weapons at Basic Life Support, pati na ang assembly at disassembly ng M16 rifleโ€”patunay ng kanilang kahandaan hindi lamang sa teorya kundi sa aktwal na operasyon.

Dinaluhan nina Dr. Ronald Raymond Lacson Sebastian, Chief Executive Officer ng JBLFMU, at Commodore Redentor R. Cortezano PN bilang panauhing pandangal sa nasabing kaganapan.

Ang NAGTI ay taunang pambansang pagsusuri sa mga yunit ng NROTC na sumusukat sa kanilang disiplina, pamumuno, at kahandaanโ€”mga katangiang patuloy na pinatutunayan ng 802nd NROTCU-Arevalo.

#thedolphin

ย 


ยฉ 2026 John B. Lacson Foundation Maritime University. All Rights Reserved.