Sari-saring aktibidades ang bumungad sa ginawang pagtitipon-tipon ng mga guro mula sa iba't ibang departamento ng John B. Lacson Foundation Maritime University (Arevalo), Inc. (JBLFMU-A) bilang selebrasyon sa Araw ng mga Guro 2024, kahapon.
Upang pangunahan ang programa, isang mensahe ng pagbibigay-pugay mula kay G. Robert O. Parcia, MSMM, Administrator, ang naging pambukas sa nasabing kaganapan.
"We have been part of molding the lives of many students," ika ni G. Parcia.
Sa kabilang banda, agaw-pansin ang ginawang Comedy Theater Show na handog ng mga mag-aaral ng JBLFMU-A na nagbigay aliw at saya sa mga guro.
Pinangunahan ito ni G. Stephen B. Bajande, guro mula sa Senior High School Department at tagapayo ng Teatro bugsay-layag, at ni James Gabayeron, isang mag-aaral mula sa Bachelor of Science in Marine Transportation Department at kasapi ng Teatro bugsay-layag na siyang nagsulat ng iskrip ng ginanap na pagtatanghal.
Matatandaang noong nakaraang taon ang kauna-unahang pagtatanghal ng nasabing comedy theater show.
Sumunod naman ang iba pang aktibidades tulad ng panghaharana at pagbibigay regalo ng mga mag-aaral sa mga guro, at pagkakataon sa pagkuha ng larawan.
Winakasan ni 2/M Karl Danielle H. Sira ang nasabing programa sa pamamagitan ng pagbibigay-pugay sa mga guro at pasasalamat sa mga kasapi ng naturang kaganapan.
Facebook link: https://www.facebook.com/photo/?fbid=1022451886558679&set=pcb.1022275783242956
Photos by: Mdpn. Lee Harvey Gumban