Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Engineering Week 2026, ginanap ang awarding ceremony bilang pagkilala sa husay, talento, at dedikasyong ipinamalas ng bawat kalahok sa ibaโt ibang paligsahan. Hindi lamang tropeo at sertipiko ang naiuwi ng mga nagwagi, kundi pati narin mga alaala, karanasan, at aral na mananatiling bahagi ng kanilang paglalakbay.
โ


Sa bawat tawag ng pangalan at bawat palakpak ng mga manonood, mas lalong napatunayan ang pagkakaisa, at determinasyon na naging puso ng isang linggong selebrasyon.
โ
Ang awarding ceremony narin ang nagsilbing pormal na pagtatapos ng Engineering Week 2026, isang linggong puno ng sigla, kompetisyon, at pagkakaibigan. Hanggang sa muling pagsasama at panibagong hamon, patuloy nating ipagmalaki ang diwa ng pagiging marinero.
โ
โSulat ni Klint Rupert Cabaรฑero
Kuha ni Josue Patric Cardinal, Eduardo Precia Jr. at Dan Oliver Tuazon

