Ito ang naging mensahe ng mga alumni ng John B. Lacson Foundation Maritime University (Arevalo), Inc. sa ginanap na Alumni Kamustahan sa JBL Hall, Nobyember 19.
Naging susi ng aktibidad ang Open Forum na layuning kumustahin ang kalagayan ng mga estudyante at bigyang kasagutan ang kanilang mga katanungan.
"Hindi na para sa mahihirap ang propesyong pagbabarko," ika ni D/C Anthony Ken Bucasas, isa sa mga inimbitahang alumni, matapos tanungin kung paano nakaka-apekto ang matinding pagtaas ng tuition sa bawat maritime na institusyon.
Dagdag pa, pinangunahan ng tatlo pang tagapagsalita na sina D/C Kevin Ryan Montefrio, D/C Kin Ian Aguilario, at D/C Aldrin John Ayalin ang pamamahagi ng kani-kaniyang mga karanasan at mga pamamaraan upang mapaayos ang kalagayan ng ating kalusugang pang-isipan.
Facebook link: https://www.facebook.com/thedolphinpage/posts/pfbid02wopK8FYfAMx2NSEyYYHxugYd7W7GEF6B4K4q5nHNeYcTReb5vu6aXxHB9Kq13o9cl