BALITANG PANG-UNIBERSIDAD | BSMT Dean, isa sa mga modereytor ng Symposium on Maritime Education and Training 2024

BALITANG PANG-UNIBERSIDAD | BSMT Dean, isa sa mga modereytor ng Symposium on Maritime Education and Training 2024


Buong pagmamalaking inirepresinta ni C/M Virmari S. Tan Ph.D., Dean ng Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) Department at Director for International Relations ng JBLFMU System, ang unibersidad sa Symposium on Maritime Education and Training (MET) na ginanap sa Manila Prince Hotel, Manila City noong Nobyembre 8.

Sa temang "Upskilling the instructors and accessors of the seafarers," layunin ng talakayan na mas mapaunlad ang kaalaman ng bawat miyembro ng pakultad ng MET ukol sa mga aplikasyon ng teknolohiya at mapayabong ang kanilang kasanayan sa sa paggamit nito.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kilalang tao mula sa mga kilalang unibersidad sa buong mundo kabilang sina Prof. Malek Pourzanjani, Head of Naval Education, MLA College, United Kingdom; Prof. Takeshi Nakazawa, Executive Director, International Association of Maritime Universities; Professor Damir Zec, University of Rijeka, Croatia, at VADM Eduardo MA R. Santos AFP (Ret), President, Maritime Academy of Asia and the Pacific Philippines.

Facebook link: https://www.facebook.com/photo?fbid=1050159910454543&set=pcb.1050159947121206


© 2025 John B. Lacson Foundation Maritime University. All Rights Reserved.