BALITANG PANG-UNIBERSIDAD | JBLFMU-A isinagawa ang Values Inculcation Activity 2024

BALITANG PANG-UNIBERSIDAD | JBLFMU-A isinagawa ang Values Inculcation Activity 2024


Humigit kumulang siyam na seksyon ng first-year Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) ang nagtipon-tipon sa JBL Hall, upang makinig at maglikom ng karagdaganang kaalaman tungkol sa core values (IPLEDGE) na isinusulong ng universidad, Nobyembre 5.

Pinangunahan ni Mrs. Rohena Z. Miranda, RGC, MAEd, Head ng Student Affairs and Services, ang pagkoordina sa aktibidad na may temang “Transition from Personal to Professional Values: Pathways for Maritime Students."

Opisyal na nagsimula ang kaganapan sa pambungad na pananalita ni C/M Virmari S. Tan Ph.D., Dean ng BSMT Department at Director for International Relation ng JBLFMU System, na naglahad ng mensahe ukol sa core values ng unibersidad.

Pinaunlakan naman nina sina Father Anthony, D/C Christian Than Ivan Guzman, at 2/M Michael C. Magno na nagbigay naman ng kaniya-kaniyang diskusyon para sa mga estudyante.

Nagtapos ang aktibidad sa isang open forum kung saan ang mga estudyante ay binigyan ng pagkakataon upang makapagtanong sa mga tagapagsalita ng kanilang mga klaripikasyon batay sa itinalakay na topiko.

Layunin ng programang ito na linangin ang disiplina at kabutihang-asal ng mga estudyante na mahalaga sa kanilang napiling propesyon.

Facebook link: https://www.facebook.com/thedolphinpage/posts/pfbid08iai2xHAzrToyTKHEgvwJWB1DuvAV2WhXcVrrcwbJdHhCXyvqdPM8MGwEBXJpafbl


© 2025 John B. Lacson Foundation Maritime University. All Rights Reserved.