Ang mga kasapi ng John B. Lacson Foundation Maritime University (Arevalo), Inc. ay nag-uwi ng mga parangal sa ginanap na 63rd National Rizal Youth Leadership Institute (NRYLI) Conference sa Chavit Coliseum, Vigan City, Ilocos Sur noong Disyembre 5-8.
Ang delegasyon ay binuo ng Supreme Student Government na kinabibilangan nina 2/O Karl Danielle Sira, Mdpwn. Jhona Ceballos, at Midshipmen Kyle Martin Biluan, Roniel Kent John Hallara, Karl Cj Herran, Prince Ezekiel Moreira, Rommel Sajo Jr., at John Anton Sutacio, at ng mga Unit Model Cadet 2025: Mdpwn. Chreystel Jhade Tupas, Mdpn. John Hendrick Alejaga, at Mdpn. Brave Niño Blanco.
Si Mdpn. Moriera ay kabilang sa ika-15 mula sa ika-36TH na paghahanap sa mga Jose Rizal Model Students of the Philippines.
Dagdag pa, ang grupo ni Mdpn. Sutacio ang umuwi ng kampeonato sa Makabayang Sayawitan, na sinundan ng pangkat ni Mdpwn. Ceballos na nakasungkit ang ikalawang pwesto, at ng mga kasama ni Mdpn. Sajo na nakakuha ng ikatlong pwesto.
Samantala, parehong nakamit nina Mdpn. Biluan at Mdpn. Herran ang ika-apat na pwesto sa Makabayang Sayawitan. Habang nasa ika-limang puwesto naman sina Mdpn. Alejaga at Mdpn. Blanco sa parehong kategorya. Pinarangalan naman si Mdpwn. Tupas ng ika-limang puwesto sa extemporaneous speaking contest at kabilang naman si Mdpn. Hallara sa On-The-Spot Painting finalists. Sa kabuuan, ginantimpalaan ng Early Bird Award ang buong JBLFMU-A.
Gamit ang temang: "Rizalian LeaderShape: Shaping Hereoic Advocacy, Advancing People Empowerment," ang naturang kumperensya ay naglalayong hubugin ang karakter ng bawat indibidwal at pananagutang panlipunan sa mga kabataang lider na Pilipino.
Sulat ni Mdpn. Rayle Navigar
Disenyo ni Mdpn. Cj Earn Anthony Gonzaga

